Friday, August 7, 2026

Negosasyon para maalis o mapababa ang 12.5% forced labor tariff ng US, nagpapatuloy

U.S. President Donald Trump and Philippine President Ferdinand Marcos Jr., meet in the Oval Office at the White House in Washington, D.C., U.S., July 22, 2025

Patuloy ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa US government upang maalis o mapababa ang 12.5% forced labor tariff na ipinataw sa Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na walang umiiral na forced labor sa bansa.

May mga batas aniya ang Pilipinas na mahigpit na nagbabawal sa sapilitang pagpapatrabaho at may kaparusahan ang sinumang employer na lalabag dito.

Dagdag pa ni Castro, patuloy na pinatutunayan ng pamahalaan sa Estados Unidos na walang batayan ang paratang na may nagaganap na forced labor sa Pilipinas.

Matatandaang nagpataw ang Estados Unidos ng 12.5% forced labor tariff matapos nitong sabihin na hindi sapat ang pagpapatupad ng Pilipinas laban sa pagpasok ng mga produktong gawa sa sapilitang paggawa.

Facebook Comments