LITERACY PROGRAM, ILALAPIT SA BAWAT SITIO NG CARAEL PARA SA MGA BATA

Hindi na kailangang hintayin ng mga bata na makarating sa sentro ng komunidad upang matuto at maengganyo sa pagbabasa matapos ilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Carael ang “Bawat Sitio, May Kuwento” Storytelling Program.

Layunin ng programa na dalhin mismo sa bawat sitio ng barangay ang mga storytelling session upang mas maraming bata ang magkaroon ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang literacy skills.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan 2026 at nagsisilbing suporta sa ABKD (Ang Bawat Kabataang Dagupeño Nakakabasa) Program ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan.

Bukod sa pagpapalawak ng interes sa pagbabasa, nakatuon din ang programa sa paghubog ng kakayahan ng mga bata sa pakikinig, pag-unawa, komunikasyon, imahinasyon at malikhaing pag-iisip.

Ayon sa SK officials, mahalagang mailapit ang mga programang pang-edukasyon sa mismong komunidad upang matiyak na bawat bata, anuman ang sitio na kanilang kinalalagyan, ay mabibigyan ng pagkakataong matuto at mapaunlad ang kanilang kakayahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments