Naaresto sa Pasig City ang isang 53-anyos na construction worker na kabilang sa Top 4 Regional Most Wanted Person sa Region 1, matapos ang pinaigting na manhunt operation ng Ilocos Sur Police Provincial Office ( ISPPO).
Ang suspek, na tubong San Carlos City, Pangasinan, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder, kung saan walang inirekomendang piyansa.
May nakalaang ₱140,000 reward para sa pagkakaaresto sa suspek alinsunod sa DILG Reward Memorandum Circular No. 2021-022.
Ayon sa pulisya, bahagi ang pagkakaaresto sa patuloy na pinaigting na manhunt operations laban sa mga high-value at most wanted persons na nahaharap sa mabibigat na kasong kriminal.
Muling iginiit ng ISPPO na walang lugar na maaaring pagtaguan ang mga wanted person habang patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang kanilang operasyon laban sa mga lumalabag sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











