Wednesday, July 29, 2026

Umano’y nakawan sa Senate premises, iniimbestigahan na ng Pasay Police

Patuloy ang imbestigasyon ng Pasay City Police Office sa napabalitang insidente ng nakawan sa loob ng Senado.

Ayon kay Pasay Chief of Police Col. De Cesto, agad nagpadala ang Pasay police ng kanilang personnel sa Senado matapos makatanggap ng tawag kaugnay sa isang insidente.

Pero paglilinaw ng Philippine National Police wala pang malinaw na resulta ng imbestigasyon ay bini-verify pa kung nakawan talaga sa loob ng Senate premises ang nangyari.

Unang lumabas sa balita na may binutas umano sa loob ng Senado para manakaw ang ilang gamit.

Facebook Comments