
Aarangkada na mamayang hapon ang unang campaign leg ng mga pambatong Senador ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Capital Region (NCR).
Gaganapin ang campaign rally mamayang alas-4:00 nang hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City na pangungunahan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito na ang ika-apat na kampanya ng Alyansa ng Bagong Pilipinas mula nang magsimula ang campaign period noong February 11.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay may 13.48 milyong residente at 7.32 milyong botante.
Nagkaroon ito ng mahalagang papel sa Halalan 2022, kung saan 5.96 milyong tao sa rehiyon ang bumoto.
Dito rin nakuha ni Pangulong Marcos ang 3.26 milyong boto matapos pumabor sa kaniya ang lahat ng 17 lungsod at bayan sa NCR.
Facebook Comments