UNCONDITIONAL CASH TRANSFER PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAMBANG, SINIMULAN NA

Nagsimula nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 ng unconditional cash transfer para sa mga indigent senior citizen ng Bayambang.
Mula sa 1,776 indigent senior citizens na nakalista, mayroong 1,528 na ang nakapag-claim sa unang bugso ng pamamahagi ng financial grant na ito ng DSWD.
Tinungo naman ng DSWD at MSWDO ang Ambayat 2nd covered court upang maihatid nang minsanan ang cash cards ng mga benepisyaryo na taga-Brgy. Warding, Tampog, San Vicente, Ambayat 1st, at Ambayat 2nd, ang limang barangay na apektado ng pagkasira ng Wawa bridge.

Dahil dito ay hindi na kailangang magpunta sa venue ng mga indigent senior citizens na taga roon. |ifmnews
Facebook Comments