UNDAS 2026 SA BAYAMBANG, NAGING MAPAYAPA; WALANG NAITALANG KARAHASAN O SERYOSONG INSIDENTE

Walang naitalang ano mang insidente ng karahasan, malubhang pagkakasakit o seryong pinsala sa kasagsagan ng paggunita ng araw ng Undas sa Bayambang.

Ayon sa pamahalaang lokal, naging mapayapa ay maayos ang unang araw ng Undas sa bayan.

Nagpatuloy naman ang pagbibigay ng serbisyo publiko upang matiyak na ligtas ang mga hahabol pa rin na dumalaw sa mga puntod ng yumaong mahal sa buhay.

Kabilang sa mga tumulong upang mapanatii ang seguridad at kaayusan sa loob at labas ng mga sementeryo ay mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang ang MDRRMO, PNP, BFP, BPSO, Task Force Disiplina, RHU, SEE, ESWMO, Engineering at MSWDO, pati mga barangay officials.

Samantala, nagpatuloy naman sa pagreport sa kanilang mga istasyon ang mga lingkod-bayan, kahapon, Nobyembre 2 bilang bahagi ng pagtitiyak sa kahandaan at pagpapatuloy ng serbisyo publiko sa ikalawang araw ng Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments