Sinimulan na ang konstruksyon ng Umingan Command Center sa Barangay Lauren, Umingan, Pangasinan kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito noong Oktubre 29, 2026.
Inaasahang magsisilbing sentro ng koordinasyon sa mga emergency, real-time monitoring at pamamahala ng impormasyon sa bayan ang nasabing pasilidad.
Layunin ng proyekto na mapabilis ang komunikasyon at pag-uugnayan ng mga kinauukulang tanggapan, lalo na sa panahon ng mga emergency.
Inaasahan ding makatutulong ang Command Center sa pagpapahusay ng operasyon ng lokal na pamahalaan upang mas agarang matugunan ang mga pangangailangan at insidente sa bayan ng Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










