UNDAS | Mga DOH hospital sa buong bansa, ilalagay sa Code White Alert

Manila, Philippines – Simula bukas (Oct. 30), ilalagay ng Department of Health ang mga pampublikong ospital at kanilang regional offices sa Code White Alert status para sa Undas.

Ibig sabihin, bukod sa mga naka duty na mga health personnel sa mga hospital, naka stand by at on call rin dapat ang mga medical personnel sakaling kailanganin ng pagkakataon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy rin ang gagawin nilang pakikipagugnayan sa mga LGUs, BFP at MMDA para sa mas mabilis na pagtugon sa mga emergency situations.


Ang Code White alert ay itinataas sa mga ospital tuwing mayroong national event o malakihang pagtitipon, tulad na lamang ng Undas.

Facebook Comments