Undas sa Quezon City, mapayapa

Matiwasay na naisagawa ng Quezon City ang pagdaraos ng Undas ngayong taon bilang paggunita sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Nicolas D. Torre III, ang All Saints’ day at All Souls’ Day ay mapayapang naganap sa kanilang lungsod.

Sa kanyang binigay na payahag ang QCPD ay walang naitalang karahasan habang isinasagawa ang pagdaraos ng Undas ngayong taon.


Dagdag niya, matinding preperasyon ang ginawa ng kanilang kapulisan para masiguro ang kaligtasan ng bawat indibidwal na dadalo sa bawat sementeryo ng kanilang lungsod.

Binigyan din niya ng papuri ang dedikasyon ng kapulisan pati na rin ang ibang sangay ng gobyerno na nagbigay kooperasyon sa kanilang lungsod para maging matiwasay ang pagdaraos.

Facebook Comments