Tuesday, June 9, 2026

6 indibidwal na sangkot sa pagpaslang sa businessman at driver sa QC, tukoy na ng awtoridad

Tukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na indibidwal na sangkot sa pagpaslang sa billiards patron at businessman na si Ceferino “Perry” Mariano at sa kaniyang driver sa Quezon City noong April 28.
 
Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Randy Glen Silvio, maingat na pinagplanuhan at isinakatuparan ang naturang pamamaslang.
 
Tumanggi muna ang QCPD na pangalanan ang mga suspek upang hindi maapektuhan ang isinasagawang manhunt operations.
 
Aniya, kabilang sa anim ang gunman na bumaril sa mga biktima sa kanto ng Timog Avenue at EDSA sa Barangay South Triangle. Galing umano sa Mindanao ang gunman.
 
Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD sa National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang criminal background ng gunman at iba pang posibleng kasong kinasasangkutan nito.
 
Nauna nang natukoy ng QCPD ang kasama ng gunman na siyang nagmaneho ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas matapos ang pamamaril.
 
Ang apat pang indibidwal ay tinukoy na nagsagawa ng surveillance o pagmamanman sa galaw ng mga biktima.

Facebook Comments