Nagbigay ng seguridad ang mga tauhan ng Urdaneta City Police Station sa isinagawang Grand Marian Procession kaugnay ng pagbisita sa Urdaneta City, Pangasinan ng Pilgrim Image ng Our Lady of Guadalupe of Mexico.
Pinangunahan ang operasyon ng seguridad ni Police Lieutenant Colonel Jeofrey E. Sanchez, Officer in Charge ng Urdaneta City Police Station.
Inorganisa ng Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral ang prusisyom na dumaan sa national road sa Barangay Poblacion, Urdaneta City.
Layunin ng deployment ng mga pulis na matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at kalahok, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa buong aktibidad.
Nakapuwesto ang mga tauhan ng kapulisan sa mahahalagang bahagi ng ruta upang matiyak ang sapat na presensiya ng pulisya, mapadali ang daloy ng trapiko, at maging maayos at ligtas ang pagsasagawa ng relihiyosong gawain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











