Pinabibilis ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang pagsasagawa ng rehabilitasyon sa dating dumpsite upang maisakatuparan ang layuning gawing malinis, luntian, at kaaya-ayang pasyalan ang lugar para sa mga Dagupeño.
Kaugnay nito, siniyasat ni Mayor Belen Fernandez ang natapos nang bahagi ng proyekto at nakipagpulong sa City Engineer’s Office o CEO at Waste Management Division o WMD upang mapabilis ang pagkumpleto ng mga natitira pang gawain.
Target ng proyekto na matapos ang Phase 1 ng paglilinis at rehabilitasyon sa huling quarter o huling tatlong buwan ng taong 2026.
Bahagi ito ng pagsisikap na baguhin ang dating tambakan ng basura tungo sa isang mas maayos, luntian, at kapaki-pakinabang na espasyo para sa mga residente ng Dagupan.
Layunin ng proyekto na maging isang “fun site” o lugar na maaaring puntahan ang dating tambakan ng basura.
Patuloy namang inaasikaso ng mga kinauukulang tanggapan ang mga natitirang trabaho upang maabot ang itinakdang target ng rehabilitasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









