SAN CARLOS CITY POLICE, NAGLUNSAD NG DRUG AWARENESS LECTURE SA MGA MAG-AARAL NG PANGALANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Nagsagawa ng drug awareness lecture ang San Carlos City Police Station para sa mga mag-aaral ng Pangalangan National High School sa Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan.

Kasabay ito ng pagdalo ng mga kapulisan sa flag-raising ceremony ng paaralan sa pangunguna ni PCAPT Antonette Dr Cas, PCAD/WCPD PCO.

Tinalakay sa lecture ang masamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga, ang kahalagahan ng pag-iwas dito, at ang paggawa ng tamang desisyon sa kabila ng impluwensiya ng mga kaibigan.

Layon ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga at mahikayat silang pumili ng mas ligtas at malusog na pamumuhay.

Patuloy namang paiigtingin ng kapulisan at ng mga paaralan ang pagtutulungan upang gabayan ang mga kabataan at maiwas sila sa paggamit ng ilegal na droga.na droga at mahikayat silang pumili ng mas ligtas at malusog na pamumuhay.

Patuloy namang paiigtingin ng kapulisan at ng mga paaralan ang pagtutulungan upang gabayan ang mga kabataan at maiwas sila sa paggamit ng ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments