Wednesday, September 16, 2026

Ret. Chief Justice Artemio Panganiban, iginiit na hustisya mula sa Senado ang nais ng mga tao

Iginiit ni retired Chief Justice Artemio Panganiban sa Senado na hustisya ang inaasahan sa kanila ng taumbayan.

Ito ang tugon ng dating Supreme Court Chief Justice tungkol pa rin sa isyu ng voting threshold sa pag-convict kay Vice President Sara Duterte (VPSD) na nahaharap sa impeachment trial.

Idiniin ni Panganiban na sa pananaw ng mga tao, justice o pagbibigay ng katarungan ang inaasahan mula sa mga senator-judges at hindi tungkol sa legalism at judicial conduct.

Hindi aniya pinakikialaman ng mga tao kung sino ang nagbibigay ng hustisya at wala ring pakialam ang mga kababayan kung ilan ang bilang nila.

Sinabi pa ni Panganiban na hindi mahalaga sa mga tao ang usapin ng legalidad at ang mahalagang magagawa ng Senado ay ang makapagbigay sila ng katotohanan at pagiging patas.

Kahit aniya ilan lang silang mga ssenator-judges kung makapagbibigay sila ng hustisya na hinihingi ng taumbayan ay masasabi ring nakapagbigay sila ng kanilang serbisyo sa mga kababayan.

Facebook Comments