Thursday, August 6, 2026

Malacañang, pinabulaanan ang mga pagdududa sa pagkakaaresto ni Zaldy Co

Pumalag ang Malacañang sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa umano nahuhuli si dating Congressman Elizaldy Co at nagkaroon lamang ng intervention mula sa Czech police.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat paniwalaan ang isang fake news peddler na tulad ni Roque.

Sinagot din ni Castro si Batangas Representative Leandro Leviste matapos nitong kuwestiyunin kung bakit si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-anunsyo ng pagdakip kay Co na umano’y akusado rin sa flood control scandal.

Dumistansya naman ang Palasyo na magbigay ng iba pang detalye sa pagkakadakip kay Co, at mga plano ng pamahalaan para sa kaniyang pag-uwi, dahil inaatas na umano sa Department of Justice (DOJ) ang buong awtoridad para magsalita tungkol dito.

Gayunpaman, malinaw ang bilin ng pangulo sa mga nakatutok na ahensiya, na gawin ang nararapat at naaayon sa batas na proseso nang pagpapauwi kay Zaldy Co.

Facebook Comments