PALAY AT MGA PANANIM, NAGKALAT SA ISANG PAARALAN SA AGNO DULOT NG HABAGAT; GYMNASIUM, LUBOG SA BAHA

‎Hirap ngayon ang mga gurong ito sa paglikas ng mga kagamitan sa loob ng Silid Aralan dahil sa epekto ng Pagbaha dulot ng Habagat.

‎Nagkalat ang palay at iba’t ibang uri ng pananim sa entrance ng Cayungnan Elementary School sa Agno, Pangasinan, matapos itong tangayin ng malakas na ulan at baha mula sa palayan na nasa harap ng paaralan.

‎Bakas naman ang hagupit ng Habagat sa loob ng paaralan, kabilang na ang gymnasium na lubog din sa baha.

‎Ayon kay Elvira Sabarez, isang retiradong guro sa naturang paaralan, nagtulong-tulong ang mga guro, magulang, at Barangay Council sa paglikas ng mga kagamitan mula sa mga silid-aralan noong Agosto 29 matapos hindi na kayanin ng mga guro ang patuloy na pagtaas ng tubig-baha.

‎Aniya, normal na umano sa mga residente sa kanilang lugar ang ganitong sitwasyon, lalo na kapag may bagyo at Habagat.

‎Kaya naman, kapag napapansin nilang lumalakas na ang ulan, agad nilang inililikas ang mga kagamitan upang maiwasang masira ng baha.

‎Bagama’t normal na sa kanilang lugar ang ganitong sitwasyon, umaasa ang mga residente na tuluyan nang magiging maayos ang kalagayan at hindi na muling mararanasan ang ganitong kalalang epekto ng Habagat o anumang sakuna sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments