VIRAL: ‘Chuva Choo Choo’ challenge ni Jolina Magdangal

112
Image via ABS-CBN Star Music

Kung ikaw ay kabilang sa mga batang 90’s, maaring pamilyar sayo ang awitin ‘Chuva Choo Choo” nina Jolina Magdangal at Nikki Valdez.

Maituturing na isa ito sa pinasikat na sayaw noong dekada ’90 at naging number 1 song sa buong Pilipinas. Ginamit ang tugtog sa pelikulang “Hey Babe” taong 1999 kung saan katambal ni Jolens si Marvin Agustin.


Nagsimula ang dance craze na ‘Chuva Choo Choo’ dahil sa eksena nina Jolens at Valdez sa pelikulang nabanggit.

“May eksena doon na parang sinasabi ko sa kaniya (Valdez), kinikilig ako sa isang tao. Tapos sabi niya basta ‘yong feeling daw na parang tumitibok-tibok ‘yong puso, ang ibig non sabihin ay Chuva Choo Choo,” ani Magdangal.

Para makilala ng millennials ngayon, muli itong binuhay ng batikang aktres sa pamamagitan ng social media at tinawag na #ChuvaChooChooChallenge.

“20th anniv na ng #ChuvaChooChoo this year! Kaya niyo ba ako sabayan? I nominate @marvinagustin @nikkivaldez_ Go na! Mag #ChuvaChooChooChallenge din kayo at tag nyo din mga friends nyo. Malay natin, may exciting akong surprise for you!,” caption ni Jolina sa Instagram post.

Pabirong sagot ni Marvin, “Labtim kong chuvachoochoo!!! Hahaha si @nikkivaldez_ ang may kaya nyan at si @domochoa!!!😆”

Hindi naman inurungan ni Valdez ang challenge at hinimok rin ang ibang sikat na personalidad.

Maging ang mga kilalang celebrities sa kasalukuyan, humataw sa pinausong sayaw ni Jolens.

 

View this post on Instagram

 

@jasondy @kztandingan @kylaalvarez @mariajolina_ig 😁🤩😁 #chuvachoochoochallenge #chuvachoochoo #sundayvibes #throwback . . 📽@rnbjayr 🤗 ——————————————- Like and follow Jason Dy’s verified social media accounts: Facebook – Jason Dy ☑️ Instagram – @jasondy Twitter – @JasonJamesDy ——————————————– #JasonDy #PrinceofSoul #TheVoiceofRnB #Haranista #CornerstoneArtist #StarMagicArtist #Dyfenders #Performer #FashionInfluencer #BenchSkinExpert #MensFashion ——————————————– #rnb #soul #artist #fashion #style #dapper #celebrity #Philippines #dailydose #goodvibes #pinoy #Familyislove #justlove #love ——————————————–

A post shared by Jason Dy International (@jasondyinternational) on

 

View this post on Instagram

 

#ChuvaChoochoo with #MayWard 👏👏👏 ©@starmagic_peachy

A post shared by MayWardAcesOfficial (@aces_mayward) on

Game ring umindak ang mga netizens sa awiting ‘Chuva Choo Choo’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MissKitty (@misskitty_30) on

Facebook Comments

From Advertisers