Tuesday, September 1, 2026

Protocol para maiwasan ang dengue at leptospirosis sa mga public school, pinalakas pa ng DEPED

Inatasan na ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan na palakasin ang mga protocol para maiwasan, masubaybayan at pag-uulat ng dengue at leptospirosis sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng sakit.

Ito ay dulot na rin ng malalakas na ulang habagat at mga bagyo.

Mahigpit ang direktiba ng DepEd sa mga pinuno ng paaralan, tauhang pangkalusugan at mga kawani ang mahigpit na pagpapatupad ng mga pamantayan sa kalinisan at monitoring sa mga kaso ng dengue at leptospirosis.

Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani tuwing may mga krisis sa kalikasan at kalusugan.

Nanawagan din ang kalihim sa mga school head, guro at magulang na magtulungan.

Aniya, ang simpleng pagpapanatili ng kalinisan sa ating paligid, ang pagpuksa sa mga pinagmumulan ng lamok at pag-iwas sa pagbabad sa baha ay malaking bagay upang mailayo ang ating mga kabataan sa sakit.

Sa ilalim ng mga direktiba, inatasan ang mga paaralan na masigasig na ipatupad ang Enhanced 4S Strategy ng Department of health (DOH) na search and destroy, secure self-protection, seek early consultation, at support fogging/spraying kapag ipinahiwatig lamang ng nararapat na lokal na awtoridad sa kalusugan, alinsunod sa mga kautusang pampangasiwaan ng Health department.

Facebook Comments