
Handang-handa na ang Department of Education (DepEd) sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill ngayong araw, Setyembre 3.
Magsisilbing pangunahing venue ng aktibidad ang Carlos F. Gonzales High School sa Maguinao, San Rafael, Bulacan.
Sa Metro Manila, isasagawa ito sa Felimon Javier Elementary School, Mandaluyong City.
Sasabayan ito ng iba pang mga paaralan sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng nationwide preparedness program ng DepEd.
Ayon sa DepEd, layunin ng pagsasanay na palakasin ang kahandaan ng mga paaralan sa oras ng sakuna at iba pang emergency.
Kabilang sa programa ang scenario briefing, isang 30 minutong full-scale lockdown drill, at post-drill evaluation.
Bagama’t si Education Secretary Sonny Angara ay hindi personal na dadalo at magkakaroon lamang ng kinatawan, pangungunahan ng Schools Division Office o SDO Bulacan ang pagsasagawa ng pangunahing aktibidad.
Makikibahagi rin sa drill ang mga kinatawan mula sa Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at Philippine National Police (PNP).










