Tuesday, August 4, 2026

Driver na nanipa at nanulak ng mga motorsiklo sa Cagayan Valley, pinagpapaliwanag ng LTO

Inisyuhan ng Show Cause Order ng Land Transportation Office o LTO ang driver na umano’y nanipa at nanulak ng mga motorsiklo noong Lunes, August 3 sa Cagayan Valley.

Makikita sa video na bumaba ang driver mula sa dumadaan na sasakyan, at isa-isang pinagtutulak at pinagsisipa ang mga motorsiklo sa kaniyang paligid.

Dahil dito, partikular na pinagpapaliwanag ng ahensya ang driver at rehistradong may-ari ng sasakyan kung bakit hindi dapat sila suspendihin o tuluyang bawian ng lisensya.

Ayon kay LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao, hindi umano dapat idinadaan sa init ng ulo sakaling may problema ang mga driver at may-ari ng sasakyan.

Samantala, tiniyak naman ng LTO na mananatili silang mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas trapiko, at agad na kikilos laban sa mga iresponsableng motorista.

Facebook Comments