
Naglabas ng pahayag ang Technological Institute of the Philippines (TIP) kaugnay sa kumakalat sa social media na umano’y bomb threat.
Ayon sa pamunuan ng institusyon, seryoso nilang tinutugunan ang insidente at hindi ito itinuturing na simpleng biro.
Humingi na raw ang mga ito ng tulong sa mga awtoridad para magsagawa ng masusing imbestigasyon.
Nagbabala naman ang pamunuan laban sa paggawa ng mga bomb joke at sa kaakibat nitong paglabag sa mga patakaran ng institusyon at sa umiiral na batas.
Pinayuhan din nila ang publiko na manatiling kalmado, alerto at bumatay sa mga official announcements.
Hinikayat din nila ang sinumang makakakita ng anumang kahina-hinalang aktibidad na agad magsumbong sa mga awtoridad.
Facebook Comments










