
Naghain ng “not guilty” plea sa Sandiganbayan 5th Division ang 7 kapwa-akusado ng pugante at dating Congressman Zaldy Co ngayong Miyerkules ng umaga, Sept. 30.
Kabilang dito ang mga dating DPWH-Bulacan 1st district officials na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Lawrence Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan, at Christina Mae Pineda.
Kaugnay ang nasabimg kaso sa umano’y maanomalyang P77-million flood control project sa Balagtas, Bulacan.
Samantala, pinagpapaliwanag rin ng korte sa loob ng 10 araw sina Domasig, Morales, Simbulan, at Pineda, kung bakit hindi sila dapat patawan ng prevention suspension.
Facebook Comments










