Monday, October 5, 2026

Habagat season, idineklarang tapos na ng PAGASA

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagtatapos ng Habagat o Southwest Monsoon ngayong Oktubre 5.

Kasabay nito, itinuturing na ring tapos ang rainy season sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Batay sa PAGASA, unti-unti nang nagbabago ang weather pattern sa bansa nitong mga nakaraang araw. Kabilang dito ang paglakas ng high pressure system sa East Asia, pag-usad pa-timog ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), at kapansin-pansing paghina ng hanging Habagat at mga pag-ulang dulot nito.

Inaasahang magpapatuloy ang ganitong kondisyon sa mga susunod na araw kaya opisyal nang tinapos ng PAGASA ang Habagat season.

Patuloy namang pinapayuhan ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na bantayan ang mga weather advisory dahil patuloy pa ring mino-monitor ng PAGASA ang lagay ng panahon at klima sa bansa.

Facebook Comments