Tuesday, June 30, 2026

Pamilya, paaralan at komunidad, dapat mahigpit na magtulungan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

Nananawagan si House Committee on Basic Education and Culture Vice Chairperson at Ako Bicol Party-list Rep. Jan Chan sa mas mahigpit na pagtutulungan sa pagitan ng bawat pamilya, mga paaralan at komunidad para mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Mensahe ito ni Chan, sa harap ng magkakasunod na insidente ng karahasan sa iba’t ibang panig ng bansa na kinasasangkutan ng mga estudyante.

Diin ni Chan, ang mga nakababahalang insidenteng kinasasangkutan ng ating mga kabataan ay paalala na ang kaligtasan at tamang paghubog sa mga bata ay isang responsibilidad na pinagsasaluhan ng pamilya, paaralan, komunidad, at ng buong lipunan.

Ayon kay Chan, hindi matatawaran ang papel ng mga magulang na unang humuhubog sa disiplina, respeto at tamang asal ng mga bata na nagsisimula sa loob ng tahanan at pinalalakas ng paaralan at ng buong komunidad.

Facebook Comments