Tuesday, September 15, 2026

VPSD, dapat maunang magbitiw bago ipanawagan ang resignation ni PBBM

Para kay House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, mainam kung maunang gawin ni Vice President Sara Duterte (VPSD) ang panawagan nya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabitiw sa pwesto.

Sabi ni Ortega, kung bababa sa pwesto si VPSD ay baka mabawasan na ang mga problemang kinakaharap nito.

Pinuna din ni Ortega ang pagpatol, pagtwist at pagbibigay ng ibang pakahulugan ni VPSD sa mga pahayag ni PBBM.

Sang-ayon naman si Ortega sa sinabi ni PBBM na hindi maaring pilitin ang sinuman na mahalin ka bilang reaksyon sa panawagan ni VPSD na siya ay magbitiw na.

Facebook Comments