
Pinabulaanan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na hindi pinagbigyan ang kaniyang aplikasyon para sa asylum sa Austria.
Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na fake news ang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na denied ang kaniyang asylum.
Ayon kay Roque, walang nakasaad na awtomatikong magiging denial ang asylum application kapag lumagpas na ito nang anim na buwan.
Submitted for resolution na aniya ang kaniyang aplikasyon at hinihintay pa rin niya ang opisyal na desisyon ng mga awtoridad sa Austria.
Hangga’t wala rin daw inilabas na desisyon na mula mismo sa Austria ay maituturing na misleading at walang katotohanan ang pahayag na hindi ito pinagbigyan.
Hinimok din bi Roque ang mga opisyal ng gobyerno na beripikahin muna ang mga sasabihin lalo na sa mga usaping saklaw ng ibang bansa.










