Isang walong-buwang gulang na sanggol mula sa Barangay Bongato East, Bayambang ang matagumpay na sumailalim sa libreng operasyon matapos itong isilang na may cleft lip at cleft palate.
Noong Hunyo 15, 2026, dinala ang sanggol sa Dr. Jesus A. Datu Medical Center–Cleft Division sa Bacolor, Pampanga upang sumailalim sa kinakailangang pagsusuri at operasyon.
Matagumpay na naisagawa ang cleft surgery noong Hunyo 17 sa tulong ng koordinasyon ng Bayambang Persons with Disability Affairs Office at Kapampangan Development Foundation Inc. Nagbigay rin ng transportation assistance ang Bayambang Public Safety Office upang ligtas na makarating sa pagamutan ang sanggol at ang kanyang kasama.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng agarang serbisyong medikal ang mga batang may cleft lip at cleft palate, lalo na ang mga pamilyang walang sapat na kakayahang tustusan ang operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








