48 ARESTADO, MAHIGIT P524K HALAGANG SHABU NASAMSAM SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG PANGASINAN PPO

Umabot sa 48 katao ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa pinaigting nitong kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigan mula June 8 hanggang 14, 2026. ‎ ‎

Batay sa ulat ng Pangasinan PPO, 12 personalidad na sangkot sa ilegal na droga ang nahuli sa isinagawang 11 operasyon. ‎ ‎

Nasamsam din ang tinatayang 77.065 gramo ng shabu na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P524,042. ‎

Sa kampanya laban sa ilegal na sugal, tatlong indibidwal naman ang naaresto sa isang operasyon. ‎

Nagbunga rin ang manhunt operations ng kapulisan matapos madakip ang 29 na wanted persons, kabilang ang tatlong Most Wanted Persons at 26 pang iba na may nakabinbing kaso. ‎

Samantala, apat na indibidwal ang naaresto sa tatlong magkakahiwalay na operasyon laban sa mga lumalabag sa batas kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng baril. Tatlong baril din ang nakumpiska sa naturang mga operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments