Isang wanted person ang naaresto sa isinagawang intelligence-driven operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 1 sa San Gabriel, La Union.
Pinangunahan ng Technical Support Company o TSC ng Regional Mobile Force Battalion 1 ang operasyon sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Ariel V. Saltin, Acting Company Commander, katuwang ang CIDG Quirino Provincial Field Unit, San Gabriel Municipal Police Station, Regional Intelligence Division ng PRO1 at La Union Provincial Intelligence Unit.

Arestado ang wanted person sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa General Banking Act of 2000 o Republic Act No. 8791.
May inirekomendang piyansa na ₱60,000 para sa bawat isa sa tatlong counts na nakasaad sa warrant.
Matapos ang operasyon, dinala ang naaresto sa City Health Office sa City of San Fernando, La Union para sa physical at medical examination.
Pagkatapos nito, isinuko siya sa CIDG Quirino PFU para sa custody, documentation at kaukulang disposisyon bago iharap sa issuing court.
Ayon sa PNP, bahagi ito ng patuloy na pagpapaigting ng intelligence gathering, information validation at koordinasyon ng iba’t ibang police units upang matukoy at maaresto ang mga wanted person.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments