Pormal na pinasinayaan ang mga bagong serbisyo noong September 11, 2026, na pinondohan sa halagang ₱4,995,000 sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program o HFEP ng DOH, General Appropriations Act of 2025.
Dahil dito, hindi na kailangang bumiyahe pa palabas ng Sarrat ang mga residente at mga mula sa karatig na bayan para lamang sumailalim sa mga routine diagnostic procedure.
Kasama rin sa pinalawak na pasilidad ang dedicated diagnostic facilities, expanded outpatient department, at fully equipped emergency room para sa mabilis na pagtugon sa emergency maternal at iba pang urgent care.
Patuloy din ang operasyon ng accredited Animal Bite Treatment Center o ABTC na nagbibigay ng rabies post-exposure prophylaxis at wound management.
Isinasagawa naman ang pagtatayo ng on-site licensed pharmacy upang mapadali ang pagbibigay at pagdispensa ng mga gamot sa mga pasyente sa hinaharap.
Lubos nang operational ang upgraded facility at may mga health professional na sinanay sa primary care delivery.
Ang pagpapalawak ng Sarrat PCF ay bahagi rin ng pagpapatupad ng Universal Health Care Law para palakasin ang primary care capacity at mapalawak ang access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







