WANTED PERSON SA KASONG CHILD ABUSE, NAARESTO SA TAYUG

Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang isang 19 anyos na lalaki sa bayan ng Tayug, dahil sa kinakaharap nitong kaso ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa isang college student at residente sa bayan.

May inirekomendang piyansa na ₱200,000 ang kaso para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos maaresto, agad dinala sa kustodiya ng Asingan MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang proseso ng disposisyon.

Binigyang-diin ng Pangasinan Police Provincial Office, ang patuloy na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted persons, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa proteksyon ng kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments