Nauwi sa pananakit ang umano’y pagtatalo ng magkapatid,dahil sa nasirang bluetooth speaker noong Huwebes ng gabi, sa Bayambang.
Ayon sa imbestigasyon, tinaga umano ng nakababatang kapatid ang biktima matapos ibalik ang nahiram na bluetooth speaker na siyang naging simula ng kanilang alitan.
Sinasabing nasa impluwensya ng alak ang suspek nang komprontahin ang biktima dahil nasira na umano ang speaker nang ibalik sa kanya.
Naghabulan pa ang dalawa, at sa takot ng biktima ay nagtago pa ito sa kanyang silid ngunit pinagsasaksak umano ng suspek ang plywood na pinto gamit ang itak habang pinipilit itong isara ng biktima mula sa loob. Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay ang biktima.
Agad na isinugod ang biktima sa ospital habang naaresto ang suspek. Narekober din mula sa kanya ang ginamit na itak.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










