Inaresto ng mga tauhan ng Basista Municipal Police Station ang isang 27-anyos na lalaki na wanted sa kasong robbery noong Mayo 13, 2026 sa Barangay Poblacion, Basista, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang isang binata, high school graduate, tattoo artist, at residente ng Barangay Pama, Basista, Pangasinan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Abril 18, 2023 para sa kasong Robbery sa ilalim ng Criminal Case No. SCC-12820.
Ang naturang warrant ay inilabas ni Hon. Rhodalyn N. Montemayor, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 1st Judicial Region, Branch 56 sa San Carlos City, Pangasinan.
May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng Php120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments



