
Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na manatiling kalmado at mag-ingat laban sa maling impormasyon na kumakalat sa social media kaugnay ng insidente sa Senado.
Kung saan inatasan na ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang Anti-Cybercrime Group o ACG na tumulong sa Department of Information and Communications Technology (DICT) .
Aniya, paiigtingin ang online monitoring para matukoy ang mga content na maaaring makaapekto sa integridad ng imbestigasyon kaugnay ng insidente ng pamamaril noong Miyerkules, Mayo 13.
Nabatid na nauna nang nagbabala ang DICT sa publiko laban sa mabilis na pagkalat ng hindi beripikadong impormasyon at fake news kaugnay ng insidente.
Hinimok din ng PNP ang publiko lalo na ang mga netizens sa responsableng paggamit ng social media at tingnan lamang ang mga lehitimong sources tulad ng mga organisasyon ng media at mga ahensya ng gobyerno.










