Arestado ng mga awtoridad ang Top 4 Most Wanted Person sa municipal level sa bayan ng Santa Maria matapos ang isinagawang operasyon nitong May 4, 2026.
Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon nang matagumpay na madakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa koordinasyon ng Sta. Maria Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit.
Kinilala ang inarestong indibidwal bilang isang 18 anyos na helper, at residente ng nasabing bayan.
Nahaharap ito sa kasong Statutory Rape, na may rekomendasyong walang piyansa.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.
Samantala, binigyang-diin ng pulisya ang patuloy na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga ito sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








