Wednesday, May 6, 2026

SANGGOL NA BAGONG-SILANG, INIWAN SA TABI NG KALSADA SA MANAOAG

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa gilid ng provincial highway sa Barangay Lipit Norte, Manaoag, Pangasinan noong Mayo 5, 2026 bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Manaoag Philippine Police Station (PNP), nadiskubre ang sanggol ng dalawang magkasintahan na agad nag-ulat sa mga awtoridad.

Pagdating ng kapulisan, natagpuan ang isang buhay na sanggol na nakabalot sa lampin at puno pa ng dugo sa gilid ng isang tindahan.

Kaagad itong dinala sa Manaoag Community Hospital para sa kaukulang medikal na atensyon at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng nasabing pasilidad.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manaoag PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng sanggol at ng mga magulang nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments