Wax figure ni Pia Wurtzbach, isinapubliko na

Very happy raw ngayon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasabay ng pagsasapubliko ng kaniyang wax figure.

Say ni Pia, tila nanumbalik ang kaniyang moment nang siya ay koronahan bilang Miss Universe noong 2015.

Idi-display muna ang wax figure ng beauty queen sa isang mall sa Mandaluyong ngayong araw, bago dalhin sa Madame Tussauds Museum sa Hong Kong.


Ang wax figure ni Pia ay nakasuot rin ng Swarovski-embellished royal blue ball na kaniyang ginamit noong koronahan siya.

Hawak rin ng wax figure ang Mikimoto crown ng Miss U.

Ang 29-anyos na beauty queen ang kauna-unahang Filipino na nagkaroon ng wax statue sa Madame Tussauds.

Facebook Comments