
Nagsagawa ng prayer rally ang ilang mga samahan at tauhan ng simbahang katoliko sa Quirino Avenue sa Maynila.
Ito’y bilamg pagkondena sa ginagawang pagpuputol ng puno sa ilalkm mg Southern Access Link (SALEX) Project.
Pinangunahan ang aktibidad ni Fr. Jude Genovia ng Our Lady of Remedies Parish (Malate Church) kung saan nagsagawa sila ng Station Of The Cross.
Dito ay sabay-sabay silang nagdasal saka isa-isang binindesyunan ang ilang mga puno na naiwan matapos putulin o ilipat ang iba nito ng dahil sa naturang proyekto.
Hiling nila sa pamahalaan na gumawa sana ng mga alternatibong hakbang o paraan upang hindi na putulin pa ang mga puno na deka-dekadang ng nakatanim kung saan malaki ang naitutuling nito sa kalikasan.
Bukodcsa Station of The Cross, nagsagawa rin ng signature campaign ang simbahan na kanilang ipapadala sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang ipaalala sa kanila na ang bawat puno ay may buhay rin na dapat alagaan para sa mga susunod na henerasyon.










