Isang Mega Dental Service ang isinagawa sa Don Leopoldo Sison Convention Center, na nagbigay ng libreng serbisyong dental sa mga residente ng Alaminos.
Sa ilalim ng programang “Bringing Brighter Smiles to the Community,” isinagawa ang libreng dental cleaning, tooth extraction, dental fillings, X-ray, at fluoride application. Namahagi rin ng hygiene kits sa mga benepisyaryo.
Isinagawa ang aktibidad ng isang pribadong grupo kasama ang iba pang katuwang bilang bahagi ng kanilang community outreach.
Bukod sa dental services, namahagi rin ng libreng pagkain ang GUICOsina sa mga dumalo sa aktibidad.
Isinagawa ang programa sa Don Leopoldo Sison Convention Center bilang venue ng serbisyo para sa mga kababayang Alaminians. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










