Monday, May 18, 2026

𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗕𝗢𝗔𝗥𝗗 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗢𝗩𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗚𝗜𝗦𝗟𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦

Cauayan City – Nahalal si Marco Paolo Meris, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa Ika-6 na Distrito ng Isabela, bilang National Auditor ng Executive Committee ng National Movement of Young Legislators (NMYL) na ginanap mula ika-23-25 ng Pebrero, 2026 sa The Manila Hotel .

Naganap ang halalan sa 2026 National Convention ng NMYL kung saan dinaluhan ang naturang pagtitipon ng mga batang halal na lider mula sa iba’t ibang panig ng bansa na may edad 40 pababa.

Tumakbo si Meris nang walang kalaban at buong pagmamalaking sinabi na isang karangalan para sa kanya na ipresenta ang lalawigan ng Isabela.

Ang kanyang termino bilang National Auditor ay tatagal hanggang taong 2028.

Bilang bahagi ng Executive Committee, makakatulong si Meris sa pamumuno at pagrerepresenta sa mga batang lokal na opisyal sa buong bansa, kabilang ang mga bise gobernador, miyembro ng sangguniang panlalawigan, bise alkalde, mga konsehal ng munisipyo at lungsod, mga lider ng Sangguniang Kabataan, at mga pangulo ng Liga ng mga Barangay.

Ayon kay Meris, patuloy na mangunguna ang National Movement of Young Legislators (NMYL) sa pagsasagawa ng mga leadership training at capacity-building programs na layuning palakasin ang kakayahan ng mga kabataang lider at higit na mapatatag ang lokal na pamamahala sa buong bansa.

Source: Isabela PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments