Nakatanggap ng hybrid at certified rice seeds, kasama ang bio-fertilizers, ang mga rehistradong magsasaka sa bayan bilang paghahanda sa Wet Cropping Season 2026.
Isinagawa ang pamamahagi sa Villasis Palay Drying Facilities and Warehouse sa Barangay Unzad sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist, katuwang ang Department of Agriculture sa ilalim ng Hybridization at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng inisyatiba na palakasin ang produksyon ng palay at matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang ani sa kabila ng mga hamon sa sektor ng agrikultura.
Bahagi rin ng programa ang pagbibigay-suporta sa mga rehistradong rice farmers sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang matiyak ang maayos na distribusyon ng mga agricultural inputs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








