Unang nadakip ang isang 70-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong perjury sa ilalim ng article 183 ng revised penal code, na amyendahan ng republic act no. 11594 at may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng p72,000.
Pinangunahan ang naturang operasyon ng city mobile force company kasama ang iba pang unit ng pulisya.
Samantala, pagsapit ng hapon naman nang maaresto ang isang 39-anyos na babae na nahaharap sa kasong estafa kaugnay ng section 6 ng cybercrime prevention act of 2012.
Sa pangunguna naman station 6 ng dcpo, arestado ang isang 39-anyos na babae na nahaharap sa kasong estafa kaugnay ng section 6 ng cybercrime prevention act of 2012.
May inirekomendang piyansang p36,000 sa naturang kaso.
Kapwa nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa wastong dokumentasyon at disposisyon ng kanilang mga kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







