
Cauayan City – Bilang bahagi ng Gawagaway-yan Festival magsasagawa ang naturang Lungsod ng kompetisyon na Isabela Bodybuilding Competition na gaganapin sa darating na ika-5 ng Abril 2026.
Inaasahang dadagsa ang mga atleta at bodybuilding enthusiasts mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon para makibahagi sa nasabing paligsahan.
Ang nasabing kompetisyon ay magtatampok ng iba’t ibang kategorya kabilang ang Bodybuilding, Classic, Men’s Physique, at Bikini, kung saan ipapakita ng mga kalahok ang bunga ng kanilang mahigpit na ensayo at dedikasyon sa fitness.
Ang nasabing aktibidad ay inihahandog ni Mayor Jaycee Dy, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng sports development, healthy lifestyle, at turismo sa lalawigan ng Isabela.
Inaanyayahan ang publiko na makilahok at makiisa sa naturang aktibidad na layong palakasin ang bodybuilding community sa probinsya.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









