Sumasailalim sa pagsusuri ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project ang panukalang pagtatayo ng fishport sa bayan ng Agno, isang proyektong nakikitang tutugon sa pangangailangan ng mga mangingisda para sa mas maayos na pagdaong, paghawak, at pagbebenta ng kanilang huli.
Tinalakay ng FishCoRe Project Team at mga lokal na opisyal ang panukala bilang bahagi ng mga proyektong maaaring pondohan sa ilalim ng World Bank-funded program na ipinatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kabilang sa mga prayoridad ng FishCoRe ang pagpapaunlad ng mga imprastrakturang pangisdaan tulad ng fish ports, fish landing sites, at cold storage facilities upang mapataas ang kita ng mga mangingisda at mapalakas ang katatagan ng mga pamayanang baybayin.
Kasalukuyang dumaraan sa validation ang mga isinumiteng proyekto upang matiyak na ang mga ito ay tumutugon sa pangangailangan ng mga komunidad na umaasa sa pangingisda bilang pangunahing kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








