
Cauayan City – Patuloy na tinututukan ng Angadanan Traffic Management and Transportation Unit (ATMTU) ang pagbabantay sa mga kalsada at ang pagpapatupad sa batas trapiko.
Ito ay bahagi ng kanilang kampanya para sa mas ligtas at maayos na mga lansangan sa bayan ng Angadanan.
Batay sa ulat ng ATMTU, ilan sa mga insidente ng paglabag ay ang overloading, menor de edad na nagmamaneho ng sasakyan, at driving without driver’s license.
Muling pinaalalahanan ng ATMTU ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho ng mga menor de edad at ng mga walang legal na driver’s license alinsunod sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Hinikayat din ng mga awtoridad ang mga magulang at guardian na huwag hayaang magmaneho ang kanilang mga anak kung wala pa silang kaukulang lisensya.
Ayon sa ATMTU, magpapatuloy ang kanilang pagpapatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mapanatili ang kaayusan sa mga kalsada ng bayan ng Angadanan.










