Prayoridad sa Manaoag ang kalusugan at kapakanan ng mga batang mag-aaral sa kanilang mga Daycare Center lalo ngayong pumasok na ang buwan ng hulyo kung saan ipinagdiriwang ang Nutrition month.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Manaog Mayor Doc Ming Rosario, hindi lamang umano dapat minsan lang naisasagawa ang mga programang nakatuon sa nutrisyon kundi tuloy-tuloy ito at nagkakaroon dapat ng monitoring sa progreso ng mga batang nebebenepisyuhan ng ffeeding programs.
May umiiral umanong subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development kung saan makakakain ng mainit at masustansyang pagkain ang mga bata sa Daycare centers.
Bukod sa masustansyang pagkain ay isa rin sa binibigyang prayoridad ay ang mga pasilidad at kagamitan sa mga Daycare centers upang tuloy-tuloy ang magandang serbisyo na inihahatid sa mga bata.
Sa kasalukuyan, patuloy umano ang pagbabantay at pagtitiyak ng pamahalaang lokal ng Manaoag hindi lamang sa kapakanan ng mga bata kung hind isa iba pang sektor tulad ng transportasyon at turismo ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








