Monday, July 6, 2026

Unang araw ng impeachment trial, tutuon sa mga proseso o patakaran at pagtalakay sa mga motion

Mamayang hapon ay magsisimula na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte at ayon kay House Prosecutor at Manila 3rd District Representative Joel Chua pagtutuunan muna ngayon ang mga formalities o mga proseso at patakaran.

Binanggit ni Chua na kasamang tatalakayin ngayon ang mga inihaing motion gayundin ang paglalahad ng mga openinng statements.

Ayon kay Chua, sa nagdaang limang araw na pre-trial conference ay ilang motion ang inihain ng House prosecution panel kabilang ang hiling na makalahok pareho sa proseso ang public at private prosecutors gayundin ang pagbubukas ng Bureau of Internal Revenue box na naglalaman ng tax records ni VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio.

Binanggit ni Chua na naghain din ng motion ang prosecution para payagan ang paggamit ng English at Filipino sa paglilitis lalo na sa pagsasagawa ng cross-examinations sa mga testigo.

Dagdag pa ni Chua na kanila ring inaasahan na tutukuyin na ngayon kung sino ang magiging presiding officer sa paglilitis kay VP Sara.

Sabi ni Chua, posibleng bukas, sa ikalawang araw ng impeachment trial pa mangyayari ang pagpi-presenta ng mga ebidensya.

Facebook Comments