
Cauayan City – Hinikayat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Cagayan ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na matibay sa matinding init bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El NiΓ±o ngayong taon.
βAyon kay Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist, mas makabubuti ang paggamit ng mga variety na maagang maaani at kayang makatiis sa tagtuyot, imbes na umasa lamang sa palay at mais.
βIminungkahi rin ang pagtatanim ng mga root crops tulad ng kamote at kamoteng kahoy, at mga gulay na matibay sa init gaya ng talong, sitaw, kalabasa, at okra.
βPaalala ng OPA, ang tuloy-tuloy na pagtatanim sa mga lugar na may sapat na irigasyon ay mahalaga upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka.










