Tuesday, May 26, 2026

𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗢𝗬𝗘𝗘 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗢𝗠𝗕𝗢𝗡𝗚

Cauayan City – Nasakote ang isang 35-anyos na empleyado ng gobyerno sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Santa Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya matapos makuhanan ng hinihinalang shabu.

‎Kinilala ang suspek sa alyas na “Jed,” isang High Value Individual na nasa talaan ng PDEA bilang drug personality.

‎Narekober mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang walong gramo at nagkakahalaga ng ₱54,400, kapalit ng ₱25,000 buy-bust money, pati isang motorsiklo at iba pang kagamitan.

‎Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang nasa kustodiya na ito ng pulisya.

‎Samantala, isinagawa ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, PDEA, at lokal na kapulisan.

Facebook Comments